English Español Tagalog

Jan. 1, 1970

Ang bagong St. Regis Mexico City na ginawa ni arkitekto Cesar Pelli

Ang bagong St. Regis Mexico City na ginawa ni arkitekto Cesar PelliAng Starwood Hotels & Resorts Worldwide, Inc ay inaanunsyo ang pagbubukas ng St. Regis Mexico City na matatagpuan sa eksklusibong Paseo de la Reforma boulevard na may tanawin ng Plaza of Diana. Ang pinakahinihintay na bagong landmark ng Mexico - at ang unang downtown hotel ng Starwood sa rehiyong ito - Ang St. Regis Mexico City ay mayroong 189 na marangyang kuwarto at suites na may magandang tanawin ng siyudad, ang signature Remede Spa, at tatlong pormal na restoran. Pinagmamay-ari ng Grupo 1818 at ginawa ng Yabu Pushelberg design firm at ni arkitek Cesar Pelli na kilala sa buong mundo, walang makakatalo sa St. Regis Mexico City pag dating sa karangayan, sopistikado, at serbisyo sa isa sa pinakamagandang lokasyon sa mundo.

Ang St. Regis Mexico City ay 30 minuto lamang mula sa Benito Juarez International Airport at malapit lamang sa kilalang Polanco area, ang sentro ng kalakalan, at sa Historic Center. Matatagpuan sa gitna ng Paseo de la Reforma, ang hotel ay malapit lamang sa mga lugar ng shopping, haute cuisine, mga cultural center at museo pati na ang kilalang Anthropology Museum, ang Museo Frida Kahlo, ang Museum of Modern Art - Mexico City at ang Rufino Tamayo Museum.

"Kami ay masaya sa pagbubukas ng St. Regis Mexico City na mayroong karangayan, pribilehyo at serbisyo kung saan kilala ang St. Regis", sabi ni Paul James, Global Brand Leader, St. Regis and The Luxury Collection Hotels & Resorts. "Matatagpuan sa makasaysayang Paseo del la Reforma Boulevard, ang hotel ay nasa isang lugar na puno ng sining, pananamit, kultura at pagkain sa isa sa pinakamagandang lokasyon sa mundo."

"Ang pagbukas ng St. Regis Mexico City at hindi lamang ang aming pinakaeksklusibong hotel sa Mexico City, ito din ay nagsisilbing patunay sa aming pagtuon sa isang bansa kung saan kami ay mayroong mahabang kasaysayan at maliwanag na kinabukasan." sabi ni Osvaldo Libirizzi, President ng Starwood Hotels & Resorts Latin America.

Ginawa ng kilalang arkitek na si Cesar Pelli, na ang kumpanyang Pelli Clarke Pelli Architects ay ang gumawa ng ilan sa mga pinakamagandang gusali sa mundo, ang St. Regis Mexico City ay 492 feet ang taas at gawa sa salamin mula sa sahig hanggang sa dingding at nagbibigay ng isang napakagandang pananaw ng kultura ng siyudad. Ang kumpanyang Yabu Pushelberg na kilala rin sa buong mundo ay ginawa ang kalooban ng hotel gamit ng mga magiting na kulay at sa disenyong Mexican upang isama ang makabagong karangayan at kayamanang sining ng Mexico. Ang bawat kuwarto ay may neutral na kulay na mayroong mga berde at biyoleta pati na din mga sadyang gawang mga karpet at kasangkapan. Karamihan sa mga materyales na gamit ng Yabu Pushelberg sa disenyo ng hotel ay gawa ng mga artistang Mexican kasama ang mga Onyx mosaics sa bawat banyo at laser cut silver screens sa lobby. Ang bawat kuwarto ay may 42 inch LCD TV na may DVD player, pinakabagong kagamitang pantunog, MP3 docking station at isang LCD TV sa likod ng salamin ng banyo na naglalabas ng mga imahe dito.


PDF download Download Ang bagong St. Regis Mexico City na ginawa ni arkitekto Cesar Pelli as PDF