English Español Tagalog

Jan. 1, 1970

Ang pinakamalaking ibis hotel sa Asia Pacific na matatagpuan sa Hong Kong

Ang pinakamalaking ibis hotel sa Asia Pacific na matatagpuan sa Hong KongHong Kong ibis Oct. 14 2009, ang pandaigdigang economy hotel ng Accor Group, ay intinutuloy ang kanilang paglawak sa Hong Kong Sheung Wan, na magbibigay ng panibagong uri ng murang hotel sa downtown Hong Kong. Ang hotel na ito ay ang pangalawang ibis sa Hong Kong. Ang hotel na ito ay magbubukas sa 2012.

Ang Ibis Hong Kong Sheung Wan ay proyekto ng Bright Century Limited - isang joint venture ng kumpanyang Hong Kong na ang Common Empire Development Ltd. at ng kumpanyang private equity fund Alpha Investment Partners Limited ng Singapore.

Mr Tony Yau - Kabuuang Tagapangasiwa ng Common Empire Development Ltd., ang tagapagsalita ng grupo ay sabi "Ang hotel na ito ay itatayo sa isang magandang lugar sa Hong Kong, kung saan walang mga murang hotel. Kami ay kampante sa aming pagpili ng ibis hotel, dahil sa kanyang pagkilala sa bansa kung saan galing ang mga turista ng Hong Kong at mga plataporma na ibinibigay ng Accor."

Ang ibis Hong Kong Sheung Wan ay matatagpuan sa Bonhan Strand West at Des Voeux Road West, sa gitna ng downtown Hong Kong, malapit sa mga mahalagang lugar sa siyudad.

Ang hotel ay ilang minutong paglalakad mula sa Sheung Wan MTR at ang Hong Kong Macau Ferry Terminal. Mayroong mga 550 na kuwarto sa hotel na ito, restoran na bukas buong araw at bar. Si Michael Issenberg, Chairman at Chief Operating Officer, Accor Asia Pacific sabi, "Ang pagtayo ng hotel na ito ay patibay sa planong paglawak ng ibis hotel sa buong Asia Pacific.

Ngayon ang ibis ay makikita sa halos lahat ng mga capital na siyudad sa rehiyon, na mayroong magandang serbisyo at mga kuwarto sa mababang halaga. Ito'y nagpapakita ng aming kakayahang matamo ang obhetibong pandaigdig at nagdadala ng panibagong panahon ng mga international-quality, murang hotels sa downtown Hong Kong - isang mahalagang lugar sa Asia Pacific".

Ngayon sa buong mundo, mayroong higit sa 800 na hotel ang Accor. Sa pagtapos ng 2009, ang mga ibis hotels sa Asia Pacific ay mabibilang sa 82. 42 na ito ay nasa China - isang mahalagang lugar para sa ibis. 21 na ibis hotels ang bubukas sa 2009 sa Asia Pacific. Dagdag ni Issenberg "Habang nagbibigay ng kailangang-kailangan na murang hotel sa gitna ng Hong Kong, ang hotel na ito ay makakadagdag sa tagumpay ng pangalang ibis, na makatutulong sa lahat ng mga ibis hotels sa mundo."

Mula sa kanyang pagtatag nuong 1974, ang pangalang ibis ay tulou tuloy ang paglaki, una sa Europe at dahan dahan sa lahat ng kontinente.

Sumusunod sa isang malaking tagumpay sa 2008, kung kailan nagbukas ang 50 na bagong hotels na mayroong 8,300 na bagong kuwarto sa mahigit sa 20 na bansa, ang ibis at lalo pang bibilis ang paglawak sa taong ito. Mula 2009 hanggang 2010, isa o dalawang ibis hotels ang magbubukas bawat linggo sa buong mundo.


PDF download Download Ang pinakamalaking ibis hotel sa Asia Pacific na matatagpuan sa Hong Kong as PDF