English Español Tagalog

Jan. 1, 1970

Ang Hotel Indigo ay magbubukas ng hotel sa San Antonio

Ang Hotel Indigo ay magbubukas ng hotel sa San AntonioDalawang bagong Hotel Indigo ang magbubukas sa San Antonio na magdodoble sa bilang ng mga Hotel Indigo sa Texas. Isa ay matatagpuan sa Riverwalk ng San Antonio at ang isa naman ay nasa Alamo.

"Ang San Antonio ay isang dinamikong siyudad at isang perpektong lokasyon para sa Hotel Indigo," sabi ni Mary Dogan isang executive sa Hotel Indigo, na nagsasabi ang hotel ay "isang destinasyon para sa mga mangangalakal at mga turista."

Ang 142 na kuwartong Hotel Indigo San Antonio Riverwalk ay matatagpuan sa Hilagang dulo ng makasaysayang River Walk ng San Antonio. Ang mga pagbabagong ginawa sa gusaling ito ay sadyang ginawa upang maisalamin ang makasaysayang kapaligiran pati na din ang kanyang tanging arkitektura at iba't ibang mga kulay.

Magbubukas ngayong tag-lamig, ang 91 na kuwarto na Hotel Indigo San Antonio sa Alamo ay matatagpuan sa tapat lamang ng makasaysayang Alamo sa makasaysayang Gibbs Building. Ang sandaang taon na gusali na ito ay inayos upang panatiliin ang orihinal na mga gawaing kahoy at marmol.

Ang Hotel Indigo ay isang marangyang botique brand na nagbibigay ng panibago at kaaya-ayang karanasan tulad ng komunidad sa kanyang kapaligiran. Mula sa mga mural hanggang sa mga programa kung saan ang mga imahe, musika, amoy, at pagkain ay paiba-iba sa buong taon, ang Hotel Indigo ay nagbibigay ng isang kaayaayang karanasan.


PDF download Download Ang Hotel Indigo ay magbubukas ng hotel sa San Antonio as PDF