English Español Tagalog

Jan. 1, 1970

Maaari bang makaligtas ng buhay ang mga gamit na sabon sa hotel?

Maaari bang makaligtas ng buhay ang mga gamit na sabon sa hotel?Isang bagong tatag na nonprofit organization ay may isang bagong ideya: ang pagbawas ng dami ng namamatay sa Uganda sa tulong ng pag-recycle ng mga gamit na sabon mula sa mga hotel sa USA. Ang Global Soap Project na base sa Altanta ay kinukuha ang mga gamit na sabon, nililinis, tinutunaw at ginagawang bagong mga sabon at ipinapadala sa Uganda.

Isang sabon sa Uganda ay may halagang 500 shillings - kapareho ng 10c sa USA. Ngunit karamihan ng mga Uganda refugees ay nabubuhay sa $1 bawat araw lamang, ayon sa isang artikulo na lumabas sa pahayagang Mail & Guardian ng South Africa.

Ilang porsyento ng mga kabataan sa Uganda ay namamatay dahil sa diarrhea ay maaaring maligtas sa tulong lamang ng simpleng sabon na hindi nila kayang bilhin.

Ang tagapagtatag ng Global Soap Project na si Derreck Kayongo ay sinabi sa Mail & Guardian na mahirap para sa mga tao sa Uganda bumili ng sabon at ang ginagawa lamang nila ay ang paglinis, pagtunaw at paghugis ng lumang mga sabon.

Ang isa pang grupo, ang Clean the World na base sa Orlando, Florida, ay nagbuo ng partnership sa mga miyembro ng mga hotel sa USA. Ang unang padala ng organisasyong ito sa Haiti ay binubuo ng 2,000 lbs ng sabon at ibibigay sa mga tao sa tulong ng mga simbahan at mga orpanahe

Sabi ng organisasyong ito, mahigit sa 3.5 milyong bata ang namamatay bawat taon dahil sa mga sakit sa paghinga at diarrhea. Ang kanyang executive director, si Shawn Seipler, ay sabi "Mayroong 4.6 milyon na kuwarto sa mga hotel sa USA lamang, at mahigit sa 2.6 milyong mga sabon ay itinatapon araw araw. Ang mga ito ay kayang magbigay ng sabon bawat tatlong araw sa lahat ng 3.5 milyon na batang ito.


PDF download Download Maaari bang makaligtas ng buhay ang mga gamit na sabon sa hotel? as PDF