English Español Tagalog

Jan. 1, 1970

Ang Pagiging "Green" ng Arcor at Pagpanalo ng mga Award

Ang Pagiging Accor - Ang kumpanya ng Motel 6, Sofitel, Novotel at Studio 6 - ay nagbukas ng bagong "Green" na motel.

Ang Motel 6 Northlake-Speedway sa Northlake, Texas, ay puno ng mga teknolohiyang nakatutulong sa kalikasan. Ito ang pinaka-"green" na proyekto ng kumpanya at ang unang lokasyong ipinasa para sa LEED® (Leadership in Energy and Environmental Design) certification.

Ang ilan sa mga teknolohiyang matatagpuan dito ay:


  • Pagsasanib sa mga programa ng pagtipid ng tubig at kuryente at paggawa ng buwanang pagsusuri sa mga ginamit na kuryente at tubig para sa bawat hotel at ang kanilang mga natipid (lahat ng Sofitel at Novotel hotels mula 2004)

  • Pag-recycle ng mga ilaw at bateriya sa mahigit na 690 na Motel 6 at Studio 6. Ang Motel 6 ay ang unang nasyonal hotel brand na magsasagawa ng programang ganito sa lahat ng kanilang mga lokasyon.

  • Mga nakapagtitipid ng tubig na shower heads at faucets.

  • Mga Faucet aerators na pinalitan ng mga higit na matipid na 0.5 gallon bawat minuto na aerators (Motel 6 at Studio 6)

  • Mga ozone machines na inilagay sa mga laundry washers; ang mga ito ay gumagamit ng malamig na tubig sa halip ng mainit sa paglaba ng mga tela at tuwalya at binabawasan ang paggamit ng sabong panlaba (lahat ng Sofitel hotels na may paglalaba)

  • Paggamit ng mga produkto ng Ecolab sa paglaba (lahat ng Motel 6 at Studio 6)

  • Pagbili ng kuryenteng galing sa hangin sa lahat ng mga Sofitel hotels sa U.S.. Ang Sofitel ay ang unang hotel na isang EPA Green Power Partner

  • Makabagong mga heater at air-con na gumagamit ng higit na kaunting kuryente.

  • Pag-recycle ng mga gamit sa mga opisina.

  • Pag-gamit ng recycled paper, pati na din ang pagprint ng higit sa 1.3 milyon na directory sa recycled paper gamit ng tintang gawa sa Soy (lahat ng Motel 6 at Studio 6)

  • Pag-gamit ng compact fluorescent na ilaw na gumagamit ng 25% lamang ng kuryenteng gamit ng mga orihinal na ilaw.

  • Ang pagulat ng resulta ng mga programang ito sa annual report.



Ang Accor ay itinukoy ng organisasyong Two Tomorrows sa kanilang pagkilala ng "mga problemang pangkalikasan na hinaharap ng industriyang hotel" at sa kanilang pagsasagawa ng "kabuuang programa ng pag-ayos at pamamahala nito."

Ang pagmamarka ng Two Tomorrows ay isang bagong paraan ng pagtimbang sa husay ng mga kumpanya sa kanilang pagayos ng kanilang mga problemang pangkalikasan. Ito ay tumitingin sa progreso sa limang bahagi: Strategy, Governance, Engagement, Value Chain at Innovation. Ang pagsusuri at base sa publikong impormasyon ng kumpanya, pati ang kanilang annual report at accounts, sustainability, CSR at mga ulat ng corporate citizenship at impormasyon sa kanilang website.

"Habang kami ay masaya sa pagkilala sa amin bilang huwaran sa hospitality design, development at operation, kami ay sumasangayon din sa konklusyon ng pagsusuri na madami pang mga kailangang gawin upang marating ng hospitality industry ang ang lahat ng pangangailangan," sabi ni Olivier Poirot, CEO ng Accor North America, Motel 6 at Studio 6. "Kami sa Accor ay patuloy sa aming pagpursig sa layunin na ito at ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya upang maging huwaran sa aming industriya."


PDF download Download Ang Pagiging "Green" ng Arcor at Pagpanalo ng mga Award as PDF