Hotels-in.com » Hotel News » Ang unang Hotel Indigo sa New York City ay nagdadala ng Estilo at Esensya sa New Chelsea Hotel District
- • Hotels-in.com
- • Maghanap ng Hotel
- - Palakihin ang Paghanap
- • Tindahan
- • Siyudad
- - Cityguide
- • Magandang Presyo sa
- - Hotels sa CA
- - Hotels sa FL
- - Hotels sa TX
- - ibang estado
- • Magandang Presyo sa
- - Hotels sa London
- - Hotels sa New York
- - Hotels sa Vegas
- - ibang siyudad
- • Magandang Presyo sa
- - Hotels sa France
- - Hotels sa Italy
- - ibang bansa
- • Aming Blog
- • RSS Feed
- • Kausapin Kami
- • Terms
Jan. 1, 1970
NEW YORK - Ang unang Hotel Indigo sa New York ay nagbukas sa araw na ito sa Chelsea, Manhattan sa sentro ng purok ng sining, pananamit at mga bulaklak. Ginawang katulad ng kanyang makulay na kapaligiran, ang bagong gawang 122 na kuwartong, katamtamang presyong hotel ay mayroong magandang hitsura at serbisyo sa eastern corridor ng Chelsea.
Matatagpuan sa 127 West 28th St., sa gitna ng 6th at 7th Ave, ang 20 na palapag na hotel ay tutulong sa pagbuhay ng mga gabi sa lugar na ito sa kanyang bagong gawang restoran na ang Blu, kung saan mayroong American bistro, Glass Bar at rooftop lounge na nagbibigay ng pananaw ng buong siyudad. Ang Blu restoran ay pinamumunuan ni Chef Roberto Bellissimo, dating nasa Le Cirque.
"Kami ay magtatayo ng hotel na nagbibigay ng marangyang karanasan sa katamtamang presyo sa isang lugar na mabilis nagiging gitna ng turismo at kalakalan," sabi ni Morris Moinian, president at founder ng Fortuna Realty Group, ang nagpapatayo at mangangasiwa sa hotel. "Sa pagbubukas ng Hotel Indigo New York Chelsea, itinataas namin ang batayan ng mga lokal na hotel sa pamamagitan ng aming bago at magandang estilo na mayroong lahat ng pasilidad na kakailanganin ng aming mga bisita at mga lokal na tao sa New York upang tunay na masiyahan sa siyudad."
Mga parte ng kapaligiran - mula sa iba't ibang kulay ng mga tindahan ng bulaklak hanggang sa mga damit sa Garment District at Fashion Institute of Technology - ito ang mga nagsilbing inspirasyon sa hitsura ng hotel. Ang mga imahe na kinunan ng kilalang photographer na si Marco Glaviano ay ginawang malalaking wall murals sa mga kuwarto at mga publikong lugar sa hotel. Nakapagdadagdag sa kagandahan ng kapaligiran, ang hotel na ito ay mayroong mga ilaw sa labas na naglalabas ng isang asul na ningning sa gabi.
"Bilang isa sa pinakaeklektiko at dinamikong purok sa siyudad, ang Chelsea ay ang perpektong lugar para sa unang Hotel Indigo sa New York City," sabi ni Janis Cannon, bise presidente, Global Brand Management, Hotel Indigo. "Ang gusali ng Hotel Indigo ay nakapagbibigay ng magandang disenyo at serbisyo pati na din ang inaasahan at lokasyon ng isang magandang hotel."
Ang Hotel Indigo New York City Chelsea ay pinagmamayari at pinangangasiwaan ng Fortuna Realty LLC, at nasa ilalim ng lisensya mula sa InterContinental Hotels Group. Ang mga ibang proyekto ng Fortuna Group ay mga hotels, apartment buildings, office buildings at mga development properties.
Ang hotel at ibang mga lugar ay pinangangasiwaan ni General Manager George Buchelli at Sales & Marketing Director Stephen Redford.
Ang Hotel Indigo New York City Chelsea ay mayroong 122 na kuwarto pati na din dalawang penthouse suites, na mayroong mga kagamitang galing sa Italy, napakalaking mga kama, hardwood na sahig, at mga paliguan na tulad ng makikita sa mga spa na mayroon Aveda products. Ang bawat isang kuwarto ay mayroong 32-inch flat HDTV na mayroong 150 na channel, iHome docking station at magagandang mga wall murals. Mayroon ding libreng WiFi sa buong hotel at business center na bukas buong araw, meeting space at fitness studio na bukas din buong araw. Maaari ring magdala ng inyong mga alagang hayop dito.
Sa nakaraang tatlong buwan, ang Hotel Indigo ay nagbukas ng apat na bagong hotel at nakatakdang magbukas ng apar pa sa U.S. bago magtapos ang taon, sa Baltimore, dalawa sa San Antonio, sa Asheville, ang N.C. ay sinasabing magdodoble ng kanilang mga hotel sa Americas, ang pagtayo ng hotel sa ibang bansa ay malakas din sa bagong kasunduan sa Hong Kong. Ang hotel dito ay itatayo sa Queen's Road East sa Wanchai, isang lugar na puno ng makasaysayang mga lugar, tulad ng Old Wanchai post office at nakatakdang magbubukas sa 2012.
Tungkol sa Hotel Indigo
Ang unang Hotel Indigo sa New York City ay nagdadala ng Estilo at Esensya sa New Chelsea Hotel District