English Español Tagalog

Jan. 1, 1970

Pagtulong ng Choice Hotel International sa Muling Pagtayo ng mga Bahay sa Amerika

Pagtulong ng Choice Hotel International sa Muling Pagtayo ng mga Bahay sa AmerikaAng Choice Hotels International (Comfort Inn, Comfort Suites, Quality, Sleep Inn, Clarion, Cambria Suites, MainStay Suites, Suburban Extended Stay Hotel, Econo Lodge and Rodeway Inn) ay sumusuporta sa Rebuilding Together's 2009 Make a Difference Day sa Oktubre 24, 2009.

Ang Rebuilding Together ay ang pinakamalaking nonprofit organization sa bansa at isinasagawa ang pagbuhay sa mga purok sa pamamagitan ng libreng pagayos ng mga bahay ng mga nangangailangan.

Ang Make a Difference Day ay isang pambansang araw ng pagtulong - - isang selebrasyon ng pagtulong ng kapwa sa isa't isa. Nuong 2008, tatlong milyong tao ang tumulong sa araw na iyon. Ang mga ito ay nagayos ng ilang libong mga bahay sa ilang daang mga baryo.

Itong taon, ang mga Choice Hotel franchisees at mga empleyado dito ay sasali sa mga taong magbobolontaryo sa Rebuilding Together sa kanilang pagayos ng ilang daang mga bahay sa bansa. Itong tag-lamig, mga 700 bolontaryong galing sa Choice Hotels, mga empleyado at pati na din mga may-ari, ay magtratrabaho ng higit sa limang libong oras sa proyekto ng Rebuilding Together.

Maliban dito, para sa bawat taong sasali sa Choice Privileges rewards program bago mag Dec. 31, 2009, ang Choice Hotels ay magbibigay ng $1 sa Rebuilding Together hanggang sa $50,000. Ang bawat bolontaryo ng Rebuilding Together na sasali sa Choice Privileges bago mag Dec. 31, 2009 ay makakatanggap ng 1,000 Choice Privileges bonus points. Mga bolontaryong sasali sa Choice Privileges sa programang ito ay makakakuha ng 500 points at isa pang 500 points kung sila ay mananatili sa anumang Choice Hotel bago mag Dec. 31, 2009.

Sa tulong ng mga bolontaryong mamamayan, mga karpintero, sa supporta ng mga lokal na mangangalakal at mga kumpanya, ang Rebuilding Together ay nakatutulong sa buhay ng ilang libong mga tao. Maliban sa pagayos ng mga bahay, ang Rebuilding Together ay nagaayos din ng mga community center. Ang Rebuilding Together ay may mga programa para sa energy efficiency, veteran housing, at disaster recovery.


PDF download Download Pagtulong ng Choice Hotel International sa Muling Pagtayo ng mga Bahay sa Amerika as PDF