English Español Tagalog

Jan. 1, 1970

Bagong Hilton Hotel sa Lexington, Kentucky

Bagong Hilton Hotel sa Lexington, KentuckyIsang bagong Hilton Hotel ay nagbukas sa Lexington, Kentucky. Gumastos ng $13 milyon ang Hilton sa pagayos ng 22 palapag na gusali upang maging isang hotel na karapat-dapat sa pangalang Hilton. Kalahati sa 367 na kuwarto ng hotel ay inayos at pati na din ang lobby, atrium at Grand Kentucky Ballroom. Ang ibang mga pagaayos ay gagawin sa 2010.

Ang Hilton Lexington/Downtown ay matatagpuan sa sentro ng kalakalan ng Lexington. Mga bagong pasilidad tulad ng fitness center, languyan at spa, business center at iilang mga conference room ay ang umpisa lang nitong komprehensibong pagaayos ng hotel.

Pag pasok sa hotel, ang mga bisita ay makakakita ng tradisyonal na disenyong Kentucky. Ang limang palapag na atrium matatagpuan ang iba't ibang sining na ginawa sa alala ng kasaysayan nitong lugar. Sa bandang timog ng atrium ay isang napakagandang water fountain na may taas ng tatlong palapag. Ito ay gawa sa 10,000 pirasong may kulay na salamin na hinalo halo upang makabuo ng mosaic ng New York City.

Ang Design Continuum ng Atlanta ay ang gumawa ng tradisyonal na Kentucky dekorasyon nitong hotel. Ginamit nila ang mga natural na pula, asul, berde at gintong mga kulay mula sa kanilang kapaligiran.

Habang ang dekorasyon ay mula sa tradisyon at kasaysayan, ang mga kuwarto naman ay makabago - mayroong mga flat-screen TV at mp3 players sa bawat kuwarto. Ang apat na suites ay hindi pa tapos dahil ang mga ito ay nilalagyan ng ancillary ½ bath, wood tiles sa foyer at dalawang flat-screen TV.


PDF download Download Bagong Hilton Hotel sa Lexington, Kentucky as PDF