English Español Tagalog

Wynn Hotel Las Vegas

Ang Wynn Hotel Las Vegas ay isang 5-star, luxury hotel at casino.

Overview Booking Contact
Wynn Hotel Las Vegas
Wynn Hotel Las Vegas


Ang Wynn Hotel ay isang casino at luxury hotel sa Las Vegas. Ito lamang ang iisang hotel sa Las Vegas na nakatanggap ng Mobil 5 Star, AAA 5 Diamond at Michelin 5 Star rating.

Lokasyon
Ang Wynn Hotel ay matatagpuan sa kilalang Las Vegas Strip, sa tapat ng Fashion Show Mall, na dahilan kung bakit ang Wynn ay nasa isa sa pinakamagandang lokasyon sa Las Vegas.

Kuwarto
Ang Wynn Hotel ay nabibilang sa isa sa mga malalaking casino sa Las Vegas na mayroong 2,716 na kuwarto. Ang mga kuwartong ito ay nagsisimula sa simpleng kuwartong 640 sq ft (59 m²) hanggang sa mga pribadong villa na lumalaki sa 7,000 sq ft (659 m²). Ang 296 Tower Suites na nasa tabing gusali ay mayroong hiwalay na check-in at languyan. Nuong 2008, natapos ang pagtayo ng pangalawang gusali ng Wynn, ang Encore. Lahat ng kuwarto ay mayroong di-kukulang sa isang LCD HDTV, DVD player, cordless telepono, fax machine at mabilis na wireless internet.

Restauran
Ang Wynn ay mayroong isa pinakamalaking seleksyon ng mga restauran sa kahit anong hotel sa Las Vegas. Sa loob ng Wynn, mayroong 22 lugar na makakainan, kabilang na dito ang 12 na restauran na mayroong pagkaing French Riviera, Italian, Classic American at Asian Bistro.

Casino/Kasiyahan
Ang casino sa Wynn Hotel ay mayroong mga larong sugal na karaniwang mahahanap sa hotel sa Las Vegas tulad ng poker, slots at table games.

Di-tulad ng karamihang mga hotel sa Las Vegas, ang mga mapupuntahan sa Wynn ay nasa loob at hindi nasa tabi ng daan sa Strip. Mayroong kakaibang mga lugar na tangi lamang sa loob ng Wynn tulad ng Ferrari-Maserati dealership at ang Lake of Dreams, isang malaking talon na nagtatapos sa isang 3-acre na lawa. Maaari ring maglaro sa 18-hole golf course ng Wynn, lumangoy sa languyan, gamitin ang fitness room at ang spa/sauna.

Tulad ng ibang marangyang Las Vegas hotels, ang Wynn ay may maraming palabas tulad ng dalawang palabas na nanalo ng Tony-award, Avenue Q at Money Python's Spamalot, at ang La Reve. Maaari ring pumunta sa mga hotel bar, lounge at nightclub.

Presyo
Ang karaniwang kuwarto ay nagsisimula sa 101.36 USD bawat gabi.

Konklusyon
Ang Wynn ay mayroong mga luxury amenities at gawain at nabibilang sa isa sa mga higit na magandang hotel sa Las Vegas.

Find great Rates for the Wynn Hotel Las Vegas


PDF downloadDownload Wynn Hotel Las Vegas as PDF