English Español Tagalog

Tuscany Suites Las Vegas

Tuscany Suites Las Vegas ay isang 3-star hotel na ginawa sa tema ng Italy.

Overview Booking Contact
Tuscany Suites Las Vegas

Tuscany Suites Las Vegas ay isang murang hotel na ginawa sa tema ng Italy.

Lokasyon
Ang Tuscany Suites Las Vegas ay matatagpuan sa Flamingo Road, mga isa't kalahating kanto mula sa The Strip, at kayang marating ang ibang mga hotel sa Las Vegas sa paglalakad.

Kuwarto
Mayroong dalawang klaseng guest suites sa hotel na ito, ang "standard" at "two bedroom". Ang mga suite na ito ay mas malaki sa karaniwang kuwarto ng ibang mga Las Vegas hotels. Lahat ng ito ay mayroong 25" cable TV, paliguan na may hiwalay na shower at lamesa na may telepono. Libreng wireless internet ay magagamit sa lobby at ibang mga publikong lugar at maaari ring magbayad upang magamit ito sa mga suites.

Restauran
Tulad ng ibang hotel sa Las Vegas, ang Tuscany Suites Las Vegas ay mayroong dalawang restauran at dalawang cafe. Ang Tuscany Gardens ay nagbubukas araw araw ng 5pm at mayroong mga pagkaing Italy, seafood at pasta. Sa mga nais kumain ng mas maaga, maaaring tumungo sa La Cantina, isang di-mahaling mexican restauran.

Casino/Kasiyahan
Ang casino sa Tuscany SUites ay mayroong mga karaniwang laro na mahahanap sa casino sa Las Vegas tulad ng 300 penny games, video poker, slot machine, poker room at sportsbook.

Maaari ring gamitin ang fitness center, languyan, o maglakad sa 27-acre landscaped grounds, isang aspeto na kakaiba sa karaniwang hotel sa Las Vegas. Para sa kasiyahan, ang Cool Change ay tumutugtog anim na araw sa linggo. Maaari ring bumili ng tiket sa Tuscany Suites upang manuod ng iba't ibang mga palabas sa ibang mga hotel sa Las Vegas.

Presyo
Ang suites ay naguumpisa sa 20 USD bawat gabi.

Konklusyon
Ang Tuscany Suites Las Vegas ay nagbibigay ng murang karanasang Las Vegas na mayroong mga kagamitan na karaniwan sa mga Las Vegas hotels.

Find great Rates for the Tuscany Suites Las Vegas


PDF downloadDownload Tuscany Suites as PDF