English Español Tagalog

The Palazzo Hotel Las Vegas

Mga Lamborghini, Marmol na Paliguan at 17 na Restoran sa Palazzo.

Overview Booking Contact
Hotels sa Las Vegas
Hotels sa Las Vegas


Ang Palazzo Hotel ay isa sa mga pinakabago at pinakaeksklusibong hotel sa Las Vegas. Ito ang pinakamalaking gusali sa buong Kanlurang bahagi ng mundo.

Ang Palazzo Hotel - Lokasyon
Tulad ng mga sikat na hotel sa Las Vegas, ang Palazzo ay matatagpuan sa Las Vegas Strip.

Ang Palazzo Hotel - Kuwarto
Isa sa pinakamalaking hotel sa Las Vegas, ang Palazzo ay mayroong 3,068 na kuwarto at 375 na suites. Lahat ng kuwarto ay mayroong sunken na sala, mga banyong gawa sa marmol at klasikong disenyo ng Europa. Mayroon ring tatlong flat-screen LCD HDTV, DVD player, minibar, malaking sofa, dining table at lugar na maaaring magtrabaho na mayroong telepono, fax at wireless internet.

Ang mga Concierge Suites ay nagbibigay ng isa sa pinakamagandang serbisyo sa Las Vegas kasama na ang almusal, Hors d’oeuvres sa gabi at libreng mga inumin.

Ang Palazzo Hotel - Restoran
Ang Palazzo ay nabibilang sa mga Las Vegas hotel na mayroong iilang mga restoran sa loob. Mayroong 17 na restoran sa loob ng Palazzo, mula sa pormal hanggang sa kasual. Ang pinakasikat sa lahat ay ang Morels French Steakhouse & Bistro na mayroong mga klasikong steak na may mga iced seafood, artisanal cheeses at charcuterie.

Ang Palazzo Hotel - Pasilidad
Ang Casino sa Palazzo ay mayroong mga larong karaniwang makikita sa mga Las Vegas hotels tulad ng slots at table games.

Ang lugar ng libangan sa Palazzo ay isa sa pinakamalaki sa Las Vegas. Ang kanyang permanenteng palabas, ang Jersey Boys, ay isang kilalang Broadway production. Maaari ring sumayaw sa LAVO Nightclub o uminom ng cocktails sa isa sa dalawang bar sa loob ng Palazzo.

Ang Palazzo ay kilala para sa kanyang Lamborghini Las Vegas at sa Shoppes at the Palazzo. Sa Lamborghini, ang mga bisita sa Las Vegas hotel na ito ay maaaring tumingin sa iba't ibang mga sasakyang Lamborghini. Ang Shoppes at the Palazzo ay mayroong madaming mga mamahaling botike pati na din ang isang 85,000 sq. ft. Barneys New York.

Ang Palazzo Hotel - Presyo
Ang isang kuwarto sa Palazzo Hotel Las Vegas ay nagsisimula sa 0 bawat gabi.

Ang Palazzo Hotel - Konklusyon
Ang Palazzo ay napakalaking hotel sa ginawa sa estilo ng Europa na matatagpuan sa Las Vegas Strip. Ito ay nabibilang sa mga pinakaeksklusibong hotels sa Las Vegas.

Find great Rates for the The Palazzo Hotel Las Vegas


PDF downloadDownload The Palazzo Hotel Las Vegas as PDF