- • Hotels-in.com
- • Maghanap ng Hotel
- - Palakihin ang Paghanap
- • Tindahan
- • Siyudad
- - Cityguide
- • Magandang Presyo sa
- - Hotels sa CA
- - Hotels sa FL
- - Hotels sa TX
- - ibang estado
- • Magandang Presyo sa
- - Hotels sa London
- - Hotels sa New York
- - Hotels sa Vegas
- - ibang siyudad
- • Magandang Presyo sa
- - Hotels sa France
- - Hotels sa Italy
- - ibang bansa
- • Aming Blog
- • RSS Feed
- • Kausapin Kami
- • Terms
Hotels in Thailand
Mula sa mga bungalow sa harap ng baybayin hanggang sa mga luxury hotel, mayroon ito lahat sa hotels ng Thailand.
Ang aming listahan ay mayroong mahigit sa 3226 Hotels in Thailand na lugar!
Kami ay abalang abala sa pagtukoy sa lahat ng hotels sa Thailand upang mabigyan namin kayo nga malawak na impormasyon ukol sa mga hotel sa Thailand.
Para sa listahan ng iba't ibang klaseng hotel sa Thailand, paki pindot ang "Book Hotels in Thailand" button.
Ang mga magagandang hotel sa Thailand ay madami at madaling hanapin. Mayroong mainit na panahon dito sa buong taon, lahat ng hinahanap ng isang turista ay nandito - mula sa mga pribadong baybayin hanggang sa makabagong mga siyudad. Dahil ang Thailand ay isang bansang mababa ang presyo ng mga bagay, maaaring manatili, kumain at magsaya dito sa mababang halaga, o kaya't manirahang parang mga hari at reyna para sa halagang higit na mababa kung ikukumpara sa ibang bansa. Pag dating sa hotels sa Thailand, mayroong lugar para sa lahat.
Ang mga hotel sa Thailand ay may iba't ibang uri at laki. Para sa mga maliit ang badyet, may mga guesthouses. Ang mga ito ay maikukumpara sa mga hotel pag dating sa pagiging komportable saka na din sa presyo. Ang mga Thai hotel naman ay nakapagbibigay ng higit na magandang serbisyo, tulad ng air-con na gumagana, libreng WiFi at mainit na panligo. Ang mga Thai hotels ay kadalasang pinupuntahan ng mga Thai lamang, habang ang mga turista ay nananatili sa mga "tourist hotels". Ang mga tourist hotels sa Thailand ay kapareho ng mga Western hotels pag dating sa mga pasilidad tulad ng languyan at serbisyo. Mayroon ring iilang mga business at luxury hotels sa Thailand na mayroong world-class na serbisyo at pasilidad.
Isang Gabi sa Bangkok - Hotels sa Pangunahing Siyudad ng Thailand
Sa pangunahing siyudad ng Thailand, ang Bangkok, ay matatagpuan ang tradisyonal na kabuhayan ng mga Thai pati na din ang makabagong mga pangangailangan ng mga mayayaman sa bansa. Ang mga hotel dito ay nagmumula sa paradiso ng back-packer's ng ang Khao San Road hanggang sa klasikong karangayan ng mga kilalang Thailand hotels tulad ng The Oriental at ang Sukhothai.
Sa Bangkok, ang mga turista ay kailangang makita ang mga makasaysayang lugar tulad ng The Grand Palace, Wat Pho o ang napakalaking Chatuchak Weekend Market. Para sa mas makabagong bahagi ng siyudad, maaaring pumunta sa Siam Center kung saan mayroong iilang mga Western na tindahan ng mga libro, cafe at sinehan. Para sa tiket sa tradisyonal na kick-boxing (muai Thai), magtanong lang sa hotel.
Hotel sa mga Isla ng Thailand
Mayroong mga iba't ibang uri ng hotel sa kilalang mga isla ng Thailand, ngunit wala masyadong mga gusali ng 5-star hotels dito di-tulad ng sa Bangkok. Karamihan ng mga hotels sa mga isla ng Thailand ay mga pribadong bungalow.
Maraming mga isla na maaaring pagpilian, ngunit may mga panahon na punong puno ang mga ito. Ang mga kilalang lugar tulad ng Phuket at Koh Phi Phi ay tinamaan na ng pagsobra ng turista at nasisira na ang mga lugar na ito. Siguraduhin na ang iyong pipiliin na hotel ay gumagamit ng tamang mga gawain upang hindi masira ang mga lugar na ito.
Ang mga posibilidad sa paglalakbay sa Thailand ay di-kayang ipaliwanag. Siguraduhing mabuti ang pananaliksik ng tamang hotel sa Thailand para sa iyong pangangailangan.

