English Español Tagalog

Swissotel Hotel Berlin

Marangyang 5-star hotel sa shopping boulevard ng Berlin

Overview Booking Contact
Swissotel Hotel Berlin
Swissotel Hotel Berlin


Ang Swissotel Hotel ay isang 5-star hotel sa Berlin. Para sa mga magbabakasyon at mga mangangalakal, ang Swissotel ay nabibilang sa mga pinakaeksklusibong hotels sa Berlin.

Swissotel Hotel Berlin - Lokasyon
Matatagpuan sa pangunahing purok ng shopping sa siyudad, ang Berlin hotel na ito ay malapit sa iilang mga lugar tulad ng Kaiser Wilhelm Memorial CHurch, KaDeWe at ang kilalang Berlin Zoo.

Swissotel Hotel Berlin - Kuwarto
Mayroong 316 na kuwarto sa Swissotel, kabilang dito ang Classic Room, Junior Suites at Swiss Executive rooms. Lahat ng kuwarto ay mayroong araw araw na pahayagan, LCD flatscreen TV, telepono, lamesa at mabilis na internet. Ang eksklusibong Swiss Executive rooms ay matatagpuan sa 9th na palapag at may tanaw ng iba;t ibang mga tindahan at hotel sa purok ng Charlottenburg sa Berlin.

Swissotel Hotel Berlin - Restoran
Ang Swissotel ay nabibilang sa mga hotel sa Berlin na may restoran sa loob. Maaaring kumain ng almusal, tanghalian o hapunan sa Restaurant 44. Para sa mga nais ng higit na tahimik na kapaligiran, ang Palermo Bar at ang Grande Galerie ay mayroong mga pagkain at inumin.

Swissotel Hotel Berlin - Pasilidad
Ang mga pasilidad sa Swissotel ay maikukumpara sa ibang mga pangunahing hotel sa Berlin. Mayroong fitness suite na may sauna. Para sa mga mangangalakal, naryan ang Swiss Business Corner na may libreng internet at 11 na conference rooms para sa mahigit sa 350 na tao.

Swissotel Hotel Berlin - Konklusyon
Ang Swissotel ay nasa isang sentral na lokasyon at nabibilang sa mga 5-star hotels sa Berlin.

Find great Rates for the Swissotel Hotel Berlin


PDF downloadDownload Swissotel Hotel Berlin as PDF