English Español Tagalog

The Setai Resort Miami

Ang The Setai Resort Miami ay nakapagbibigay ng marangyang bakasyon sa South Beach.

Overview Booking Contact
Setai Resort Miami

Ang Setai Resort Miami ay isang 5-star hotel sa tabing-dagat. Ito ay nasa isang gusali ng Art Deco at sa tabing 40-palapag na gusaling salamin.

Lokasyon
Ang Sentai ay nabibilang sa iilang mga tabing-dagat na hotel sa Miami. Nasa Art Deco ng South Beach, shopping, pormal na kainan, at mga kulturang palabas ay malalapit dito.

Kuwarto
Ang mga kuwarto sa Miami hotel na ito ay nakahiwalay sa pangunahing gusali ng Art Deco at sa 40-palapag na gusaling salamin. Sa gusali ng Art Deco, mayroong mga Studio Suite at mga mas malaking Junior Suite. Ang gusaling salamin ay mayroong isa, dalawang at higit pa na kuwartong suites. Lahat ng kuwarto ay mayroong kaayusang Asian at may 22" flat screen TV, Bose surround-sound CD/DVD, Lavazza na panggawa ng kape, mini bar at wireless internet. Lahat ng kuwarto ay may air-con, kailangang-kailangan para sa lahat ng hotel sa Miami.

Restoran
Madaming mga restoran sa loob ng Setai. Para sa pormal na pagkain, nandyan ang The Restaurant na naghahanda ng mga Asianong pagkain. Para sa mas kasual, nandyan ang The Grill. Mayroon ring isang 90-ft. na bar sa tabi ng languyan kung saan maaaring uminom at kumain ng mga pagkaing Mediterranean.

Pasilidad
Ang mga pasilidad sa Sentai ay kapareho ng karamihan sa mga luxury hotels sa Miami. Mayroong tatlong languyan na iba't iba ang temperatura. Maaari ring magpahinga sa tabing dagat sa taas ng mga pribadong day-beds ng hotel. Ibang pang mga pasilidad ay ang fitness room na may yoga at pilates, spa at sauna, business center, boutique at 24-hour reception.

Presyo
Nagsisimula sa 413 USD ang isang gabi sa Setai. Ang mga Specialty Suite ay nagsisimula sa $2,000 bawat gabi (as of: Oct. 16, 2009).

Konklusyon
Ang Setai Resort Miami ay nakapagbibigay ng isang bakasyon sa tabing dagat at nabibilang sa isa sa mga pinakamagandang hotel sa Miami.

Find great Rates for the The Setai Resort Miami


PDF downloadDownload The Setai Resort Miami as PDF