English Español Tagalog

Fortune House Hotel Miami

Fortune House Miami ay isang condominium-style apartment na may mga pasilidad ng hotel.

Overview Booking Contact
Fortune House Hotel Miami

Ang Fortune House ay isang condominium hotel sa Miami, Florida.

Lokasyon
Ang hotel na ito ay nasa Brickwell Avenue sa sentro ng kalakalan ng Miami, magandang lugar para sa mga nais mangalakal sa Miami. Ang hotel na ito ay maiksing sakay lamang papunta sa mga lugar tulad ng Coconut Grove, Coral Gables, South Miami Beach at Key Biscayne.

Kuwarto
Ang mga kuwarto sa Fortune House ay iba sa pangkaraniwang hotel sa Miami. Mayroong mga isa at dalawang kuwartong apartments na pwedeng irenta araw araw, linggo linggo o buwan buwan. Kasama sa mga apartment na ito ay cable TV, DVD player, mabilis na internet at maliit na kusina na may refrigerator. Lahat ng kuwarto ay may air-con, kailangang-kailangan para sa mga hotel sa Miami. Di-tulad ng ibang mga Miami hotels, ang bawat apartmet sa Fortune House ay may pribadong balkonahe na may pananaw ng baybayin o ng siyudad.

Restoran
Maaaring magluto sa mga maliit na kusina sa kuwarto o kumain sa restoran ng hotel. Para sa mga gustong uminom at kumain ng magaan, mayroong bar at lounge. Mayroon ring iilang mga restoran na malapit sa hotel na ito.

Pasilidad
Ang mga pasilidad sa Fortune House ay maikukumpara sa ibang mga hotels sa Miami. Maaaring maglangoy sa languyan, matulog sa sundeck o magpahinga sa sauna at steam room. Pwede ding gamitin ang business center at fitness center.

Presyo
Nagsisimula sa 86.48 USD ang bawat apartment. Mayroong mga especial na presyo para sa mga maguupa ng buong linggo o buong buwan.

Konklusyon
Ang Fortune House ay isang apartment-style hotel na may mga pasilidad ng hotel at nabibilang sa mga 3-star hotels sa Miami.

Find great Rates for the Fortune House Hotel Miami


PDF downloadDownload Fortune House Hotel Miami as PDF