English Español Tagalog

Stratosphere Hotel Las Vegas

Ang Stratosphere ay may mga larong sugal, magkain at mga sasakyang pangloob sa mababang halaga.

Overview Booking Contact
Stratosphere Hotel Las Vegas
Stratosphere Hotel Las Vegas


Ang Stratosphere Hotel Las Vegas ay isang hindi mahal na hotel sa Las Vegas. Madaling makilala ito dahil sa kanyang kakaibang gusali.

Lokasyon
Ang Stratosphere ay nasa pinakahilagang bahagi ng Las Vegas Strip at ito lamang ang iisang "hotel sa Las Vegas" na mismong matatagpuan sa siyudad ng Las Vegas.

Kuwarto
Ang Stratosphere ay may 2,444 na kuwarto na nahahati sa mga kuwarto, suite, at penthouse. Ang pinakasimpleng kuwarto ay may kasamang lamesa at mga kagamitang karaniwan sa mga hotel sa Las Vegas. Ang pinakamagandang kuwarto ay ang Premiere Suite na mayroong 2,165 sq. ft. at hiwalay na kainan, kusina, sala at mga kuwarto.

Restauran
Mayroong 6 na restauran sa Stratosphere na naghahanda ng pagkaing American at Italian. Ang kilalang Top of the World restoran ay nasa pinakamataas na palapag at mayroong umiikot na kumpletong tanaw ng ibang mga Las Vegas hotels.

Casino/Kasiyahan
Ang Stratosphere casino ay may mga larong sugal na karaniwan sa mga hotel sa Las Vegas tulad ng table games, poker room, slot machines at video poker.

Sa gabi, maaaring manuod ng mga permanenteng palabas dito; Ang American Superstars, isa sa mga palabas na kinokopya ang mga pagkilos at pagsalita ng mga artista; o ang Bite, isang erotikong palabas tungkol sa mga bampira at ang kanyang mga tagasayaw na nakahubad. Mayroon ring iilang mga bar at lounge kung saan maaaring uminom at sumayaw hanggang umaga.

Ang Stratosphere ay isa sa kaunting mga hotel sa Las Vegas na may mga rides sa loob.

Presyo
Naguumpisa sa 23.89 USD bawat gabi.

Konklusyon
Matatagpuan sa Las Vegas Strip, ang Stratosphere ay isang hotel na hindi kasing mahal ng ibang mga Las Vegas hotels.

Find great Rates for the Stratosphere Hotel Las Vegas


PDF downloadDownload Stratosphere Hotel Las Vegas as PDF