English Español Tagalog

MGM Grand Hotel Las Vegas

Ang MGM Grand Hotel ay ang pangalawang pinakamalaking hotel sa buong mundo.

Overview Booking Contact
MGM Grand Hotel Las Vegas
MGM Grand Hotel Las Vegas


Ang MGM Grand Hotel & Casino ay isang luxury hotel sa Las Vegas na may temang klasikong Hollywood. Ito ay ang pangalawang pinakamalaking hotel sa buong mundo.

Lokasyon
Ang MGM Grand Hotel ay matatagpuan sa Las Vegas Strip sa Paradise, Nevada kasama ng ibang mga malalaking hotel sa Las Vegas.

Kuwarto
Ang MGM Grand may mayroong 5,700 na kuwarto na nakakalat sa iilang mga gusali nito. Ito ay isa sa mga higit na malaking hotel sa Las Vegas. Ang mga kuwarto ay nakahati sa iba't ibang klase, ang pinakamaganda ay ang 51 na "skyloft". Ang mga kuwarto ay may mabilis na internet at mas malaki ang mga ito sa karaniwang hotel sa Las Vegas. Ang mga kukuha ng Skyloft ay mayroon ring 24-hour butler at personal concierge.

Restauran
Ang MGM Grand ay may 12 na restauran. Di-tulad ng ibang mga hotel sa Las Vegas, mayroon lamang 2 na kasual na restauran dito at 10 pormal na restauran. Mayroon ring 8 na cafe para sa mga nagmamadali.

Casino/Kasiyahan
Ang casino sa MGM Grand ay isa sa mga pinakamalaki sa kahit anong hotel sa Las Vegas. Nuong iilang mga taon, ito ay tinatawag na "The Emerald City" mula sa The Wizard of Oz. Ngayon, mayroon na itong klasikong tema ng Hollywood. Ang casino ay mayroong mga larong sugal tulad ng table games, poker at slot machines.

Maliban sa iilang mga pansamantalang palabas, meron ring dalawang permanenteng palabas dito, ang Cirque du Soleil’s Kà at Crazy Horse Paris. Mayroong 8 clubs at bars na nasa loob ng MGM, kasama na dito ang sikat na Studio 54.

Presyo
Ang isang gabi sa kuwarto ay nagsisimula sa 70 USD habang mga ibang mga suite ay umaabot ng $10,000 (as of: Oct. 15, 2009).

Konklusyon
Ang MGM Grand Hotel ay isa sa mga pinakamalaking hotel resort sa Las Vegas at nabibilang sa isa sa mga pinakamarangyang hotel sa Las Vegas.

Find great Rates for the MGM Grand Hotel Las Vegas


PDF downloadDownload MGM Grand Hotel Las Vegas as PDF