English Español Tagalog

Burj Al Arab Hotel Dubai

Luxury Hotel sa Dubai? Bumisita sa Burj Al Arab Hotel Dubai.

Overview Booking Contact
Burj Al Arab Hotel Dubai
Burj Al Arab Hotel Dubai, Dubai


Ang Burj Al Arab Hotel Dubai ay isang luxury hotel sa Dubai na nagbibigay ng bagong kahulugan sa salitang "luxury". Ang Burj Al Arab ay ang iisang 7-star hotel sa buong mundo. Ang hitsura ng gusali, na ginawa para magmukhang billowing sail, ay tangi sa lahat ng luxury hotels sa Dubai.

Lokasyon
Ang Burj Al Arab ay matatagpuan sa isla na malapit sa Jumeirah Beach. Kasama ito sa mga hotel sa Dubai na malapit sa siyudad (15km) at sa Dubai International Airport (25km).

Kuwarto
Isa sa mga higit na malaking hotel sa Dubai, ang Burj Al Arab ay may 202 na suites sa kanyang 28 palapag na gusali. Ang mga suites ay nakahati sa mga Deluxe Suites, Panoramic Suites, Club Suites, at Royal Suites, lahat na ito ay mayroong tanaw ng Arabian Gulf. Ang bawat isang suite ay may dalawang palapag. Ang lounge at kainan ay nasa unang palapag habang ang kama at banyo ay nasa itaas. Lahat ng suites ay may kasamang 42" plasma TV, DVD player na may library, laptop at printer, internet at sariling butler.

Restoran
Ang Burj Al Arab ay nabibilang sa mga hotel sa Dubai na may mga restoran sa loob. May 6 na restoran dito na naghahanda ng mga pagkaing mula sa Arabia hanggang sa Europa. Kasama ang mga restoran, mayroon ring 5 na bars sa Burj Al Arab pati na din ang room service.

Pasilidad
Ang mga pasilidad sa Burj Al Arab ay higit sa ibang mga hotel sa Dubai. Maaaring maglangoy sa languyan sa loob at labas ng hotel, o sa pribadong parte ng Jumeirah Beach. Maaari ring magehersisyo sa gymnasium o fitness center. Kung nais magpahinga, mayroong massage at beauty center at spa. Marami ring mga tindahan sa loob ng hotel. Para sa mga mangangalakal, mayroong iilang mga conference room dito.

Presyo
Ang karaniwang kuwarto sa Burj Al Arab ay nagsisimula sa 3747 AED.

Konklusyon
Ang Burj Al Arab ay nakapagbibigay ng luxury-style suites at higit na maganda pa sa mga pinakamagandang eksklusibong hotel sa dubai.

Find great Rates for the Burj Al Arab Hotel Dubai


PDF downloadDownload Burj Al Arab Hotel Dubai as PDF