English Español Tagalog

Hotel Adele Berlin

Isang komportableng pananatili sa dating Silangan ng Berlin.

Overview Booking Contact
Hotel Adele Berlin

Ang Hotel Adele ay isang 3-star boutique hotel sa Berlin. Ito ay isa sa madaming mga maliliit na boutique hotels sa purok ng Prenzlauer Berg sa Berlin.

Hotel Adele Berlin - Lokasyon
Matatagpuan sa dating Silangan ng Berlin, ang Hotel Adele ay isang sakay sa tram mula sa mga sikat na lugar tulad ng Alexanderplatz, and Museum Island at Unter den Linden.

Hotel Adele Berlin - Kuwarto
Isa sa mga maliliit na hotel sa Berlin, ang Hotel Adele ay mayroong sampung kuwarto at dalawang suites. Ang "Facette" at "Cristal" suites ay mayroong sariling pasukan. Lahat ng kuwarto ay mayroong cable TV at mabilis na internet.

Hotel Adele Berlin - Restoran
Ang Hotel Adele ay nabibilang sa mga hotel sa Berlin na mayroong restoran sa loob. Ang restoran sa hotel na ito ay naghahanda ng iba't ibang mga pagkaing Mediterranean. Lahat ng mga mananatili dito ay mayroong libreng almusal. Ang restoran na ito ay maaari ring ireserba para sa mga pista, pagkasal at mga business meetings.

Hotel Adele Berlin - Pasilidad
Ang Hotel Adele ay mayroong mga pasilidad na maikukumpara sa ibang mga 3-star hotels sa Berlin. Mayroong languyan at sauna pati na din mga tennis courts. Mayroon ring mga meeting room para sa mga mangangalakal.

Hotel Adele Berlin - Presyo
Tulad ng ibang mga kuwarto sa kaparehas na mga hotel sa lugar na ito, ang isang gabi ay nagsisimula sa 87.65 EUR.

Hotel Adele Berlin - Konklusyon
Ang Hotel Adele ay mayroong isang personal na ambiyansa at nabibilang sa mga maliliit na hotel sa Berlin.

Find great Rates for the Hotel Adele Berlin


PDF downloadDownload Hotel Adele Berlin as PDF