English Español Tagalog

Park Inn Berlin Alexanderplatz

Ang Park Inn Hotel - Berlin Alexanderplatz - ay ang pinakamalaking hotel sa buong Berlin.

Overview Booking Contact
Park Inn Berlin Alexanderplatz
Park Inn Berlin Alexanderplatz, Berlin


Ang Park Inn Berlin Alexanderplatz ay isa sa mga 4-star hotels sa Berlin. Maliban sa kanyang pagiging isang simbolo ng dating silangan, Ang Park Inn Berlin Alexanderplatz ay ang pinakamalaking hotel sa buong Berlin.

Park Inn Hotel Berlin - Lokaskyon
Ang Berlin hotel na ito ay matatagpuan sa makasaysayang parte ng siyudad na ang Alexanderplatz at malapit sa ibang mga lugar tulad ng The Museum Island, Unter den Liden, ang TV tower at ang Volksbühne.

Park Inn Hotel Berlin - Kuwarto
Ang kanyang 1,012 na kuwarto at suite sa 37 na palapag ay ang pinakamalaki sa buong Berlin. Lahat ng kuwarto ay may lamesa, telepono, minibar at mabilis na internet. Ang mga suite at business rooms ay may flatsceen TV at marmol na banyo na may pang-init ng sahig. Ang pinakamagandang "Colour Sweets" ay may hiwalay na kuwartong pangbihis at mayroon ring waterbed at whirlpool.

Park Inn Hotel Berlin - Restauran
Ang Park Inn ay nabibilang sa mga hotel sa Berlin na may iilang mga restauran sa loob. Maaaring kumain at manuod ng palabas sa Spagos Bar & Lounge o kaya'y uminom sa Rooftop Panorama Terrace. Iba pang mga restoran ay ang Humboldt’s Restaurant, Zille-Stube, Zille-Garten at Casino Bar 37. Malapit din ang hotel sa napakaraming ibang mga restoran sa labas tulad ng mga nasa Hackescher Markt, the Nikolaiviertel at Friedrichstraße. Lahat ng matutulog dito ay makakatanggap ng libreng almusal.

Park Inn Hotel Berlin - Pasilidad
Ang mga pasilidad sa Park Inn ay maikukumpara sa ibang mga hotels sa Berlin. Maaaring magehersisyo sa fitness center o magpahinga sa sauna. Mayroon ring casino sa ika-37 na palapag na may Black Jack, Roulette at iba pang mga laro.

Park Inn Hotel Berlin - Presyo
Ang mga kuwarto sa Park Inn Berlin Alexanderplatz ay nagsisimula sa 49 EUR bawat gabi.

Park Inn Hotel Berlin - Konklusyon
Ang Park Inn ay matatagpuan sa gitna ng siyudad at ito ang pinakamalaking hotel sa buong Berlin.

Find great Rates for the Park Inn Berlin Alexanderplatz


PDF downloadDownload Park Inn Berlin Alexanderplatz as PDF