English Español Tagalog

Hotel Adlon Kempinski Berlin

Ang Hotel Adlon Kempinski ay nasa tuktok ng luxury sa Berlin.

Overview Booking Contact
Hotel Adlon Kempinski Berlin
Hotel Adlon Kempinski in Berlin, Berlin


Ang Hotel Adlon Kempinski ay isang 5-star, luxury hotel sa Berlin. Ginawa sa 1907, ang Adlon ay kilala bilang isa sa mga pinaka-eksklusibong hotel sa Berlin at sa buong Germany.

Lokasyon
Ang Adlon ay nabibilang sa mga Berlin hotel sa gitnang purok ng "Mitte". Matatagpuan sa Pariser Platz, ang Adlon ay iilang mga hakbang lamang mula sa makasaysayang Bradenburg Gate at Unter den Linden. Mga kulturang lugar tulag ng Staatsoper, Reichstag, American Embassy,Café Einstein at Museum Island ay maaari ring lakarin mula sa hotel na ito.

Kuwarto
Mayroong 304 na kuwarto at suites sa Berlin hotel na ito. Lahat ng kuwarto ay may kasamang flatscreen TV, telepono, minibar at mabilis na wireless internet at pansariling mga air-conditioning. Ang mga suite ay mayroong DVD player at fax machine saka mga steam bath. 45 sa mga suites na ito ay may mga nakahiwalay na sala at maliit na kusina. Mayroong mga tanging suites sa Adlon na umaabot ng €10,000, at ang limang kuwartong Royal Suite para sa €15,000 bawat gabi.

Restoran
Ang Adlon ay nabibilang sa mga hotel sa Berlin na may iilang mga restoran sa loob. Maaaring pumili mula sa tatlong restoran at bars. Sa Restoran Quarre, si Chef Christian Müller ay naghahanda ng mga makabagong interpretasyon ng mga pagkaing regional at gourmet. Ang The Gourmet Restaurant Lorenz Adlon ay naghahanda ng pagkaing French haute. Ang iba pang mga kilalang restoran na ang Fischer’s Fritz at Bocco di Bacco ay isang maikling lakad lang mula sa hotel na ito.

Pasilidad
Ang mga pasilidad sa Adlon ay higit sa ibang mga hotel sa Berlin. Mayroong spa na may mga massage at beauty treatment at saka languyan at gym. Maaari ring gamitin ang business center at ang mga meeting at event rooms.

Presyo
Ang karaniwang kuwarto sa Adlon ay nagsisimula sa 159 EUR bawat gabi.

Konklusyon
Sa kanyang lokasyong sentral at mga marangyang pasilidad, ang Hotel Adlon Kempinski ay nabibilang sa mga pinaka-eksklusibong hotels sa Berlin.

Find great Rates for the Hotel Adlon Kempinski Berlin


PDF downloadDownload Hotel Adlon Kempinski in Berlin as PDF